dahel sayo tinangka kong itigil na ang maganda ko pa lang buhay. para akong baliw na sinugatan ang sarili ko dahel LANG sa BIGLA mong pagkawala at dahel din sa katotohanang baka NABUNTIS mo nga ako. bilib ako sayo!
SA MGA DALAGANG INA
dahel PINANINDIGAN nyo yan. ako ngayon di ko alam kung kakayanin kong ituloy to, ayoko, marame pa kong dapat gawen, gusto ko muna makatapos! ang galing nyo, di man ninyo kagustuhan mabuntis ng maaga ay PINILI nyong buhayin ang nandyan na. bilib ako sayo!
SA MGA KAIBIGAN KO
dahel di kayo nagsasawa, di kayo napapagod, ano mang katangahan ang pasukin ko ay di nyo ko iniwan at alam ko na kapag nagtangka akong ipalaglag ang bata ay siguradong babatukan nyo ko dahel gusto nyong gawen ko ang TAMA at nararapat. bilib ako sayo!
SA SARILI KO
dahel ang tapang tapang ko makipag-siping sa WALANG KWENTANG lalaki tapos ngayon matatakot ako mabuntis! ang LAKAS NG LOOB kong pasukin to kahet di ko kaya mag-alaga ng bata dahel sarili ko nga di ko kaya alagaan. bilib ako sayo!
SA DIYOS
dahel isa Ka ren sa di naririnding pakinggan ang mga panalangin ko. dahel kahet kailan di Mo ko pinabayaan at di mo ko binigo. Ikaw ang naging sandalan ko kahet marami pang iba ang sumasandal sayo. dahel naniniwala ka paren na pwede pa ko magbago.. kaya sinagot mo ang dasal ko... oo, salamat... DINATNAN na ako! salamat, sobrang na-delayed lang talaga ako! salamat!
sa mga nagbabasa nito na kasalukuyang nagdadalang-tao, bilib ako sayo... dahel ALAM KONG ITUTULOY MO YAN... itutuloy mo yan diba? oo ituloy mo yan, tandaan mo... LAHAT kame bibilib sayo!
advance happy mother's day... lalong lalo na sa nanay ko... nakakabilib ka 'ma!
(Lacoste perfume nga pala regalo ko sa nanay ko... pasensya na kailangan ko talaga isingit yun... proud ako dun noh, bihira ko lang gawin yun eh)



